Bike lanes sa Marcos Highway, pormal na binuksan

PORMAL nang binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang bike lanes sa magkabilang panig ng Marcos Highway na may habang 3.2 kilometro (km) mula Marikina, Pasig hanggang Antipolo, Rizal.

Sa pagbubukas kanina, sumakay ng bisekleta si MMDA Chairman Francis Tolentino at Marikina Mayor Del de Guzman, kasama ang ilang siklista at opisyales ng Marikina at Pasig.

Ayon kay Tolentino, ang paglalagay ng bike lanes ay isa sa mga solusyon ng MMDA para mabawasan ang volume ng sasakyan na sanhi ng trapiko.

Hinihikayat din ni Tolentino na magbisikleta ang publiko lalo’t mabuti rin ito sa kalusugan.

Matatandaang noong Nobyembre15, binuksan sa publiko ang bike lanes sa Remedios Circle sa Maynila, habang nakatakda na ring buksan ang bike lanes sa Quezon City bago matapos ang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply