Bike lanes sa Maynila opisyal nang binuksan

bike-lanes

OPISYAL nang binuksan ang bicycle o bike lanes sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila Huwebes ng umaga.

Pinangunahan ng mga kawani ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Bikers Association ang pagbubukas ng bike lanes.

May distansiyang apat na kilometro ang bike lanes mula Remedios Circle hanggang Paraiso ng Batang Maynila sa Adriatico, Malate at mula President Quirino Avenue patungong Cultural Center of the Philippines (CCP).

Layunin ng paglalagay ng bike lanes na maiiwas ang mga siklista sa aksidente sa kalsada kung saan nakakasabay ng mga ito ang ilang mga malalaking sasakyan.

Malaking bagay din umano ang paggamit ng bike dahil ito ay hindi nagdudulot ng polusyon sa kalikasan bukod pa sa nakatutulong ito dahil nakakapag-ehersisyo ang mga siklista.

Mahigpit namang ipinagbabawal ang bike lanes sa mga motorized vehicles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply