Biktima ng salvage, natagpuan sa bunton ng basura

bangkay-2

NAKATALI ang leeg, kamay at paa at naka-tape ang buong mukha ng isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution nang matagpuan ito sa loob ng isang carton kaninang madaling araw sa bunton ng basura sa Binondo, Maynila.

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang Alyas “Totoy”, nasa edad na 34-40, may taas na 5’5, kayumanggi, katamtaman ang pangangatawan, semi-kalbo, nakasuot ng itim na sando at itim na short, puno ng tattoo sa buong katawan at may tatak na “BCJ”.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez, dakong alas 12:15 ng madaling araw nang madiskubre ng isang Michael Angelo Javier, 17, ang isang malaking carton habang siya ay nangangalakal ng mapapakinabangang basura na maibebenta sa junkshop sa may ilalim ng Jones bridge (North bound) sa Binondo, Maynila.

Napansin umano ni Javier na naka-tape ang carton kaya binuksan nito ng bahagya upang masilip ang laman nito.

Laking gulat ni Javier nang mapansin niya ang kaliwang bahagi ng hita ng biktima na may tattoo  kaya agad nitong ipinagbigay ang insidente sa opisyal ng barangay na nakakasakop sa lugar na siya namang nagreport sa pulisya.

Sa pagsusuri, nagtamo ng tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib bago ito binalutan ng plastic tape sa buong mukha, ang tali sa leeg ay idinugtong sa kamay at paa saka isinilid sa carton.

Sa pagsisiyasat, ilang testigo ang nakakilala sa biktima na umanoy notoryus na holdaper at snatcher sa lugar.

Dinala sa St.Yvan ang labi ng biktima para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply