Binata kritikal sa sinitang umiihi

emergency

MALUBHA ang kalagayan ng isang binata matapos saksakin ng hindi pa kilalang lalaki na sinita ng una dahil sa pag-ihi sa kanilang bakuran sa Malabon City kagabi (Nobyembre 29)

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Jesus Mancio, 39 ng Phase 2, Longos ng lungsod, sanhi ng saksak sa katawan.

Base sa ulat, dakong alas-8:35 ng gabi, nakatambay sa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang biglang umihi ang suspek sa bakod ng una.

Sinita ng biktima ang suspek na nagalit at nagbunot ng patalim bago sinaksak ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply