Binata kulong sa pagnanakaw sa pawnshop

HINDI na nakapagkaila ang isang binata matapos makita sa ninakaw na camera ang mga kuha ng mga laptop ng pawnshop na pinagnakawan ng una sa Valenzuela City kahapon, Nobyembre 18.

Kulong si Albert Pardalis, 20 ng De Leon st., Malanday ng lungsod habang nakatakas ang dalawang hindi pa kilalang mga kasama.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga nang malaman na napagnakawan ang Reymalyn Pawnshop and Cellshop sa M. H. Del Pilar, Malanday ng lungsod.

Nawawala ang digital camera, 10 laptop at 70 cell card subalit may nakakita na isa si Pardalis sa mga nagnakaw na naging dahilan upang ipadampot sa mga pulis.

Nabawi kay Pardalis ang digicam at hindi na nakapagkaila ang una nang lumitaw sa screen ang mga kuha ng mga nawawalang mga laptop na kinunan ng isa sa mga empleyado bago ang pagnanakaw.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng dalawan pang suspek upang mabawi ang iba pang ninakaw.

Samantala, kulog ang dalawang holdaper nang matiklo makaraang biktimahin ang estudyante sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 18.

Nakilala ang mga suspek na sina Carl Ramos, 23, at Jonathan Sevilla, 18 kapwa ng Phase 2, Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, kasabay na naglalakad ng biktimang si Esmeralda Tagbas, 20 ang ilang kaklase sa 1st st., 1st avenue ng lungsod nang salubungin ng mga suspek at tutukan ng mga patalim.

Kinuha ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P500 bago nagsitakas.

Nadakip ang mga suspek subalit hindi na nabawi ang mga nakulimbat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply