23-anyos kulong sa panggagahasa sa paralisadong lola sa Naga

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos tangkaing gahasain ang isang paralisadong lola sa Naga City, Sabado ng madaling araw (Nobyembre 3).

Naaktuhan ng 36-anyos na mister ng 80-anyos na biktima ang suspek na si Charlie Bellodo, 23-anyos, at residente ng Barangay Igualdad, Naga City na nakapatong habang ang kanyang asawa ay nakahiga sa banig.

Sa sumbong ng naturang mister kay SP02 Willy Quiniano, pagdating niya sa kanilang bahay mula sa trabaho kaninang ala-una ng madaling araw ay tumambad sa kanya na nakahubad na ang asawang bed ridden at nakapatong dito si Bellodo.

Tinangkang tumakas ni Bellodo pero nasilo ito ng mga nagrorondang barangay tanod malapit sa bahay ng suspek.

Napag-alaman na ang suspek ay mayroon na ring nakabinbin na kasong attempted rape sa nasabi ring barangay na ang huling biktima ay isa namang buntis.

Tiniyak naman ng mister na magsasampa sila ng kaso kontra sa suspek na sinasabing positibo sa paggamit ng iligal na droga nang ikasa ang panghahalay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply