Binata niratrat, dedbol

crime-scene-chalk-mark

PATAY ang isang 19-anyos na binata matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad pauwi sa Binondo, Maynila, kaninang madaling araw.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Joey de Ocampo ang biktima na si Edison Regales, may-asawa ng Gate 17 Area B, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, galing ang biktima sa kanyang kapatid na nakatira sa Gate 46 sa nasabi ring lugar at habang naglalakad papauwi ay nilapitan ito ng ”di nakilalang suspek saka walang sabing pinagbabaril.

Nagawa pa umanong makatakbo ng biktima ngunit tumimbuwang din.

Sa pagsusuri, nagtamo ang biktima ng maraming tama ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa katawan.

Dinala sa St.Yvan Funeral Homes ang bangkay ng biktima para sa autopsy habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply