Binata sinaksak, malubha

KRITIKAL ang kalagayan ng isang binata matapos itong saksakin ng isang lasing na suspek habang naglalakad kaninang madaling araw sa Barangay Northbay Boulevard North, Navotas City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial hospital si Ceasar Ian Tindoc y Silva, 21, ng 417 Baron St., NBBN ng lungsod sanhi ng malalaim na saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Ogie ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat dakong ala 1:00 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente malpit sa bahay ng biktima.

Nabatid, naglalakad si Ceasar sa kahabaan ng kalye Baron na lingid sa kalaman nito dinikitan siya ni Ogie at agad nagbunot ng kitchen knife saka ito itinarak sa biktima at saka mabilis na tumakas dala ang patalim na ginamit.

Ang duguang biktima ay agad dinala ng kanyang inang si Rhodora sa nasabing pagamutan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung anong tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply