Binata tigbak sa riding in tandem

crimedeath

TODAS ang isang porter matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem   Lunes ng gabi Nobyembre 26, sa tapat ng sementerio sa service road Bagong Barrio, Caloocan City.

Dead on spot sa pinangyarihan si Rinellio Aviles, 25, binata, porter, ng Cariapay, Sta. Maria, Bulacan sanhi ng dalawang tama ng kalibre 9mm sa ulo at isa sa likod.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin sakay ng hindi napalakahan na  motorsiklo .

Ayon sa ulat, dakong alas 9:45 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa tapat ng Eternal Garden  Cemetery sa nasabing barangay.

Tinatahak ng biktima ang kahabaan ng  East service road sakay ng kanyang motorsiklong Yamaha mio na may plakang 2865-XZ at pagsapit sa nasabing lugar bigla na lamang dinikitang ng mga suspek at agad pinagbabaril na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Ayon kay  Michael Ogoc,  security guard ng nasabing sementerio,  tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang narinig at nakita na lamang ang bangkay ng biktima katabi ang kinalulunanan nitong motorsiklo kaya agad ipinaalam sa pulisya.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scence of Crime Operatives ng tatlong basyo ng  9mm pistol na  baril.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply