Binatang nagbuyangyang ng ari, tinutukan ng baril

WASHINGTON – Imbes makapagparaos sa sarili, isang exhibitionist ang napatakbo nang tutukan ng baril ng ginang na kanyang pinagpakitaan ng ari sa Washington, USA, kaninang umaga.

Pero bago tumakas, nagbanta pa ang 20-anyos na suspect na babalikan niya ang ayaw magpakilalang ginang sa ibang araw kaya sa inis ay ipinahabol na niya ito sa kanyang alagang aso.

“(I) put the magazine in my gun. I cocked it. I said: You need to leave or I’ll shoot you. I’m going to blow your brains out,” wika ng biktima.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 7 ng umaga sa isang bisinidad ng Lake Sacajawea sa Longview, Washington state.

Ayon sa ginang, bago ang insidente ay ipinapasyal niya sa lugar ang kanyang anak at ang alagang aso nang may sumutsot sa kanyang atensyon.

Sa pag-aakalang kakilala, lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang suspect na ibinuyayang ang ari habang nilalaro ito.

Hindi pa nakontento, nag-request pa ang suspek sa ginang na panoorin siya hanggang sa makaraos.

Depensa naman ng ginang, naisipan lang niyang dalhin ang kanyang baril nang araw na nabanggit dahil kinutuban siyang may masamang mangyayari na hindi maganda sa kanilang pamamasyal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply