Binatang nagkalat ng sex video ng ex-GF, tiklo

IPINADAMPOT sa pulisya ng isang babae ang kanyang dating nobyo matapos ikalat ang kopya ng kanilang sex video sa cellphone.

Ang suspect na si Paulo Eriano, 19-anyos, ng Barangay Pansol, Quezon City, ay kinuwelyuhan ng Quezon City Police District operatives matapos ireklamo ng biktima na ayaw magpakilala. Sasampahan ito ng kaukulang kaso.

Ayon kay PO2 Sofia Caparossom ng QCPD-Women’s and Children Desk, inaresto ang suspect sa kanilang bahay nitong Biyernes ng gabi.

Sa sumbong ng biktima, sinabi nito kay Caparassom, na noong sila pa ay nagsasama ay laging kinukunan ng suspect ang kanilang pagtatalik sa pamamagitan ng pagre-record sa kanyang cellphone.

Nang magwakas ang kanilang relasyon, nagpapadala ng text messages sa biktima ang suspect at nagbanta na ipapakalat ang kopya ng kanilang pagtatalik.

Bukod pa rito, ini-upload din ng suspect ang kanilang sex video sa Internet.

Para na lang huwag lumaki ang gulo, hindi na lang pinansin ng biktima ang pananakot ng suspect. Pero nang ipakita sa kanyang ng isang kaibigan ang kopya ng kanilang sex video ay dumiretso na ito sa pulisya para ireklamo si Eriano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply