Binatilyo dedo sa huling dive sa talon

PATAY sa kanyang huling pag-dive ang isang 12-anyos na lalaki nang hindi na ito lumutang matapos na lumundag at sumisisd sa Bato Sumpit Waterfalls sa lalawigan ng Iloilo.

Sa natangap na ulat ng National Risk Reduction Management Council mula sa kanilang panlalawigang tanggapan, kinilala ang biktima na si Romnick Talaman Tagarao, ng Barangay Igtuble, Grade 6 pupil sa Bayan ng Tubungan ng nabangit na lungsod.

Sa ulat, sinasabing nagbabantay ng kanilang tindahan ang biktima nang dumating ang kanyang mga kabarkada at nagkayayaang maligo sa Bato Sumpit Falls na nasa Barangay Igtuble lang din.

Sinasabing dahil sa lamig ng tubig at ganda ng nasabing talon, nagpakitang gilas ang biktima sa pamamagitan ng muling pagtalon sa tubig bago sila mag-uwian.

Subalit, huling dive na pala ito ni Tagarao dahil hindi na ito lumutang.

Hinihinalang tumama ang ulo ng biktima sa bato na siya nitong ikinamatay dahil natagpuan ang bangkay nito malapit sa isang bato sa ilalim ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply