Binatilyo nabawi sa bading na kidnapper

NABAWI na ng awtoridad ang isang binatilyong tinangay ng bakla mula sa Maynila para gawing lover sa Samar kaninang umaga (Nobyembre 29).

Ipinahatid na ni Eastern Samar Police Chief Senior Inspector Steve Castillote III, ang biktima na itinago sa pangalan na Boy, 15-anyos sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila.

Ipinatutugis na rin ni Castillote para panagutin sa kasong illegal detention at kidnapping ang suspek na si Rosendo Alano Mengullo, alyas Cyrill, tubong San Policarpio, Eastern Samar.

Ayon sa biktima, nitong nakaraang Martes ay inakala lamang niyang ipapasyal siya ng suspek sa Luneta at uuwi rin sila kinabukasan.

Pero kinabahan na ito nang mapansing malayo na ang kanilang binabiyahe.

Todo bantay umano ang suspek sa biktima at madalas ay ikinukulong sa isang kwarto at hindi pinapayagang makalabas.

Dagdag pa ng biktima, dalawang linggo pa lang silang magkakilala ng suspek at panay ang pangako nito ng regalo para sa kanya.

Samantala, napag-alaman na ito na ang ika-apat na beses na nagdala ng bata ang suspek sa Eastern Samar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply