Binatilyo tinalakan ng utol, nagbigti sa presinto

crime6

MATAPOS talakan ng kapatid, isang binatilyo ang nagbigti sa loob ng Philippine National Police (PNP) station sa Camarines Sur.

Idineklarang dead on arrival sa Siruma District Hospital sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga ang biktimang si John Paul Cadiz, 14-anyos, 1st year high student ng Siruma National High School sa Camarines Sur at stay-in sa nasabing presinto.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, natuklasan ang insidente dakong alas 6:30 nitong Martes ng gabi sa roof top ng nasabing presinto.

Ayon kay PNP Siruma chief of police Dino Ben Regazpi, inaampon nila ang biktima at ang kapatid nitong si Joe Mari Cadiz, 15-anyos sa loob ng dalawang taon.

Kapalit, aniya, ng pagsisilbi ng magkapatid sa kanila ay libreng pag-aaral dahil ulila na ang dalawang binatilyo sa kanilang magulang.

Ayon pa kay Regazpi, napapansin niyang giliw na giliw na maglaro si John Paul na maglagay ng lubid sa leeg na tila magpapakamatay.

Pero nitong Martes ng hapon, napagalitan si John Paul ng kapatid na dinamdam maigi nito.

Nang maggabi at hanapin na ni Jonh Paul ang kanyang kapatid para maghapunan,  natagpuan niya ang katawan nito na nakabitin sa kisame ng roof top ng naturang presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply