Binay inupakan ni Miriam sa anti-political dynasty bill

miriam-defensor-santiago

HINDI pinalampas ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na batikusin si Vice President Jejomar Binay kaugnay ng isyu sa political dynasty.

Kasabay ng pagsalang ng pundo ng Office of the Vice President sa plenaryo, binweltahan ni Santiago si Binay kaugnay ng pasaring ng bise presidente sa mga pahayag nito sa media na ang nagsusulong ng Anti-Political Dynasty Bill ay pawang mga pulitikong talunan sa election.

Nabatid na si Santiago ang may-akda ng Anti-Political Dynasty Bill sa Senado.

Hindi naitago ng senadora ang kanyang galit sa pasaring ni Binay lalo’t kabilang siya sa talunang kandidato noong 1992 presidential elections laban kay dating Pangulong Fidel Ramos.

Nagkataon na hindi humarap sa budget deliberations si Binay, kaya’t sa pamamagitan ni Senate finance committee chairman Sen. Franklin Drilon sinagot ng kanyang staff ang batikos ng senadora sa pagsasabing nasa kamay umano ng taong bayan ang susi para lipulin ang political dynasty sa bansa.

Sa kabila ng batikos ni Santiago kay Binay ay nakalusot pa rin sa plenaryo ang pundo ng OVP.

Samantala, harap-harapang kinumpronta ni Santiago si Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., kaugnay ng umano’y nasa likod ng mga black propaganda laban sa kanya sa kasagsagan ng impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona.

Napapansin ng senadora na ang nasa likod ng propaganda laban sa kanya noong 1992 presidential elections ay muling lumutang para siya siraan sa publiko.

Sa kabila nito ay itinanggi naman ni Coloma ang akusasyon ng senadora, kaya’t nakalusot pa rin ang pundo ng PCOO.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply