Binoe hirap nang humalik sa mga kapareha sa pelikula

KASALUKUYANG ginagawa ngayon ni Robin Padilla ang kanyang upcoming series sa ABS CBN, ang “Kailangan Ko’y Ikaw” with leading ladies Anne Curtis and Queen of All Media Kris Aquino.

Maraming mga eksenang may tukaan dito. In fact, ‘yung kissing niya with Kris ay tapos na. At dinig natin, parang wala lang nangyari sa eksena ng dalawa, tila naganap na raw yata kasi ito sa tunay na buhay nung time na magsiyota pa sila. Hehehe! Pero ayon naman kay Robin, nahirapan daw siyang gawin ito dahil maraming miron at iba ang approach niya rito.

Kaya itong kay Anne ay kabado rin daw siya. Kailangan pa raw niyang humingi ng tip para magawa niya ng tama ito. Halik ni hudas, este, halik daw kasi ng action star ang alam niyang tirada, hindi yung tukang malumanay at punong-puno ng pagmamahal.

“Yes mayroon din kaming kissing scenes, doon nga ako hirap na hirap, kung paano ko hahatiin yung puso ko. Di pa nakukunan yung kissing scenes namin ni Anne pero sigurado yon. Kailangan pa akong humingi ng tip sa kissing scenes. Iba kasi yung paghalik ng aksyon sa drama. Yun yung ini-explain sa akin lagi, ‘huwag masyado na namang action yung halik mo,'” sabi ng mister ni Mariel Rodriguez.

“Yung kissing scene sa akin ok, pero sa love scene hindi ako sanay. Madaming tao, mahirap,” dagdag pa ng action star.

Masuwerte si Binoe sa serye na ito dahil pag-aagawan siya ng dalawang babae. Siya si Mr. Lover Boy dito, huh! Ano’ng say mo, Mariel?

Anyway, bago mapanood ang kakaibang Robin sa telebisyon, inaayos na muna ng aktor ang pelikulang nagawa nila ng utol niyang si Rommel Padilla kasama ang anak nitong si Daniel Padilla na nagkaroon ng problema dahil sa titulong Kuratong Baleleng. Kailangan munang mabago ang titulo nito bago ito maipalabas.

***

Mamayang gabi na ang first solo concert ni Paula Bianca

HANDANG-handa na si Paula Bianca para sa gagawing concert sa PAGCOR Grand Theater Casino Filipino, Paranaque city mamayang (November 9) 8:00 p.m.  Ang konsiyertong ito ay katatampukan ng stand-up comedians at iba’t ibang surprise guests, pero sesentro ito sa Empress of Rock kung saan ipakikita ni Paula ang kanyang galing sa pag-awit lalo na pagdating sa rock singing at pagtugtog ng instrumento.

Sa mga gustong humabol, maari pa rin kayong makabili ng ticket sa HAPLOS Foundation Office at 732 5085 or 0917-8427567 and look for Ms. Gay Oñate. Sa halagang 500.00 pesos lamang ay mage-enjoy na kayo sa panonood.

***

‘X Factor’ album, todo-ariba na!

MULA sa pagiging consistent no.1 record sa iTunes Philippines, sa mga records store naman sa buong bansa umaarangkada ang “The X Factor Philippines” All-Star album na naglalaman ng 13 kantang muling napasikat sa matagumpay na reality-talent search ng ABS-CBN.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, tampok sa “The X Factor Philippines” All-Star album ang most-requested versions ng ‘Killing Me Softly’ na inawit ng first grand winner ng show na si KZ Tandingan; ‘It Will Rain’ ng 2nd placer na si Gabriel Maturan; at ‘All At Once’ ng third placer na Daddy’s Home.

Bahagi rin ng tracklist ang ‘Got To Be Real’ na kinanta ng A.K.A. Jam; ‘Love The Way You Lie’ ni Allen Sta. Maria; ‘Kung Wala Ka Na’ ni Jerriane Templo; ‘Can’t Help Falling In Love’ ni Jeric Medina; ‘Ang Pag-ibig Kong Ito’ ni Joan Da; ‘Mahal Kita Kasi’ ni Kedebon Colim; ‘Nanghihinayang’ ni Mark Mabasa; ‘Balatkayo’ ni Modesto Taran; ‘Stay’ ng Take Off; at ang bonus track na ‘Star Ng Pasko’ na inawit ng Final 12.

Ang “The X Factor Philippines” All-Star album ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari pa ring ma-download ang album sa www.mymusicstore.com.ph at sa iTunes.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply