Binoe naaalibadbaran sa porma ni BB

MATAGAL na palang hindi nagkakausap sina Robin Padilla at BB Gandanghari. Parang si Binoe pa rin ang hindi totally and wholeheartedly nag-a-accept kay BB?

“Hindi, accepted ko na siya. Wala namang problema na sa amin ‘yun. Kaya lang pag sinabi mong accepted, hindi na ba kami puwedeng… sobra naman ‘tol. Mga ganoon..sobra na.”

“Wala ka sa Amerika, ‘di ba? Kung nasa Amerika naman siya, hindi naman ako mangingialam, e! Nasa Pilipinas tayo, dahan-dahan lang din.

“E, naka-tights siya… sobra na ‘yun,e!,” reaksyon niya nang makatsikahan namin siya sa taping ng ‘Toda Max’ na napapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN 2.

Hindi ba siya nagagandahan kay BB? Napaiiling na lang ang Bad Boy ng Local Cinema at natawa.

“Trip niya ‘yun. Ayaw kong basagin ‘yung trip niya. Basta masaya siya dun…pero para sabihin ko na okey ako dun, no way,” sambit niya.

Sa ngayon inaayos daw ni Rommel (kapatid nila) na magkausap sina Robin at BB. Nagsisilbing bridge si Omeng para magkaroon ng communication ang dalawa dahil matagal nang hindi sila nag-uusap

“Hindi pa siguro panahon. Darating din ‘yun. Pero kami ang unang masasaktan, siyempre pag merong medyo may nararamdaman katulad nu’ng minsan nagkaroon yata ng problema sa ‘Echanted… sinabi sa akin ng isang stuntman ko.. parang hindi yata sila nagkaintindihan ng fight choreographer niya, siyempre ako ‘yung unang… sabihin mo diyan sa fight choreographer, kilalanin niya si Rustom, a! ‘Yun lang mga ganoon,” sey niya na mas gusto pa rin niyang tawaging Rustom ito kesa BB.

“Matagal ko naman siyang kapatid as Rustom,” sey pa niya.

Ano sukatan para tawagin na niya ito as BB?

“Okey na sa iba ‘yun,’wag na sa amin,” bulalas pa niya.

Ang feeling yata ni BB ay hindi pa rin siya tanggap ni Binoe.

“Kung hindi ko siya tinanggap, di matagal ko na siyang pinosas, di ba? Ano lang? Siyempre, pakinggan din niya kami. Hindi naman puro siya.

Pinapanood ba niya si BB sa ‘Enchanted Garden’?

“E, si Mariel (Rodriguez), pinapanood siya, e! Pero ‘yun nga nu’ng naka-tights siya, napapipikit ako ,e! ‘Wow, si utol ba ito?,” reaksyon niya.

Hahahaha. ‘Yun na!

o0-

NAGTAWANAN sa presscon ng “24/7 In Love” na kung saan ay tampok ang pitong love stories na magpapakilig sa Nov. 21 sa mga sinehan. Ito’y 20th anniversary film ng Star Magic.

Inuurirat kasi kung nasa right age na sina Kathryn at Angel kung posibleng 24/7 din ang pagmamahalan nila.

Pa-wholesome ang mga sagot ni Kathryn na parang hirap niyang idiretso ang sagot sa tanong.

Reaksyon tuloy ni Gerald. “Ganyan si Kim (Chiu) 5 years ago.”

Diretso naman ang pahayag ni Daniel na si Kathryn ang gugustuhin niya pag nasa right age na sila at aminado naman siyang nanliligaw sa dalaga.

Kasama rin sa pelikula sina Piolo Pascual, Zaijan Jaranilla, at Xyriel Manabat; Bea Alonzo at Zanjoe Marudo; Sam Milby at Pokwang; balik tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson; Diether Ocampo at Maja Salvador; Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Talbog at bongga!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply