BIR director, inilagay sa floating status

ISANG opisyal ng Bureau of Internal Revenue ang inilagay sa ‘floating status’ ni BIR Commissioner Kim Henares at umano’y maraming iba pa ang pinaiimbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang katiwalian bilang hudyat ng pinakahihintay na ‘rigodon’ sa nasabing tanggapan.

Si Zamboanga BIR Regional Director Rosil Lozares ay agad inilagay sa ‘non-duty status’ o ‘freezer’ ni Henares sa hindi agad ipinaliwanag na dahilan habang inaprubahan naman nito ang ‘terminal leave’ ni Caloocan City BIR Regional Director Tomas Rosales na mas piniling maagang magretiro sa serbisyo habang ninombrahan naman si San Pablo City BIR Assistant Regional Director Marina De Guzman bilang bagong regional director sa Tuguegarao City.

Inaasahang anumang araw ay aaprubahan ni Finance Secretary Cesar Purisima ang isinumiteng ‘major revamp’ ni Henares na apektado ang posisyon ng mga deputy commissioners, assistant commissioners, regional directors at mga revenue district officers sa buong kapuluan.

Ayon sa source, kabilang sa mga pinasisiyasat ay ilan umanong division head sa Large Taxpayers Service na diumano’y nagbatuhan ng putik gamit ang ikinalat na mga ‘white papers’ ukol sa awayan sa partihan sa pera, mabilisang pagtatapos ng mga kaso, paghingi ng suhol o lagay at ang umano’y pagdedeposito ng malaking pera sa banko para malaman ang lalim ng katotohanan sa isyung ito
Nakarindi rin sa masamang pandinig ang umano’y reklamong harassment ng mga taga-Cebu taxpayers laban sa dating chief ng LTDO na ngayon ay nabigyan ng promosyon sa main office ng LTS.

May ‘denounciation’ din laban sa apat  pang hepe ng LTRAD ukol pa rin sa awayan ng partihan sa pera. Ilan dito ay sinasabing ‘super-lakas’ kay Henares at napangakuang nonombrahan bilang bagong RDO sa North at Novaliches, Quezon City, gayundin sa San Juan City at Marikina City. Isa dito ay niyayabang na kanyang bayaw ang isang bantog na senador sa Southern Tagalog.

At ang highlights sa pinaiimbesigahan, ayon pa sa source, ay ang umano’y  sinasabing sumabog na eskandalong relasyon ng magsing-irog – kinasasangkutan ng isang RDO at kanyang assistant- na muntik magsaksakan nang hindi matanggap ang ‘hiwalayan blues.’

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply