Birthday boy dinukot bago itinumba sa QC

DINUKOT bago pinatay ang isang lalaki sa bisperas ng kanyang kaarawan nitong Martes ng gabi (Nobyembre 6) sa Quezon City.

Nagtamo ng anim na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Aldrin Alfon, 35-anyos at residente ng Barangay Holy Spirit.

Nakikipag-ugnayan na ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit sa Land Transportation Office (LTO) para malaman ang may-ari ng kotseng ginamit sa krimen ng tatlong suspect na isang kulay gray na Toyota Vios na may plakang (XPJ-941).

Naganap ang pagdukot sa biktima dakong alas 10:30 nitong Martes ng gabi sa halos tapat ng bahay nito sa Barangay Holy Spirit, sa Q.C. pero natagpuan ang bangkay nito dakong alas 11 sa isang bisinidad ng  Barangay Greater Fairview.

Ayon sa ina ng biktima na si Myrna, 52-anyos, bago ang insidente ay kakuwentuhan ni Aldrin ang kanyang isang kapatid at mga kaibigan at pinag-uusapan ang pagsalubong sa kanyang kaarawan nang biglang pumarada ang naturang kotse sa kanilang tapat.

Tatlo sa mga armadong suspect ang bumaba at  sa hindi malamang dahilan ay isinakay ang biktima sa kanilang kotse at humarurot palayo sa lugar.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, nabalitaan na lamang nila ng natagpuan ang bangkay ng biktima na tadtad ng tama ng bala sa may Barangay Greater Lagro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply