Bishop Tirona, bagong Arsobispo ng Caceres

tirona

PORMAL nang iniluklok sa puwesto si Archbishop Rolando Joven Tria Tirona bilang ikaapat na arsobispo ng Archdiocese of Caceres, sa isang simpleng seremonya, nabatid kahapon.

Si Tirona, 66, ang napili ng Vatican na maging kapalit sa puwesto ni Dominican Archbishop Leonardo Zamora Legaspi, na nagsilbing metropolitan bishop ng Caceres sa loob ng 28 taon.

Umapela naman si Tirona sa mga clergy, religious at mga lay people na tumulong upang palagiang makatugon ang Simbahan sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Nagpapasalamat din ito sa mga pari ng prelature ng Infanta, na ‘best clergy’, aniya, na kanyang nakilala.

Bago tuluyang naupo bilang Caceres Archbishop ay nagsilbi rin si Tirona bilang Obispo ng Infanta, Quezon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply