Bistek namudmod ng pera sa brgy. chair at kagawad

lily's-files-lily-reyes

BUMAHA ng pera noong Huwebes sa Quezon City Hall nang mamahagi si QC Mayor Herbert Bautista ng pera sa 142 na Barangay Chairman at mga kagawad nito.

Ayon sa source ng Lily’s Files,  pinatawag umano ni Bistek ang mga brgy. captain na nag-birthday at doon ay binigyan niya ng pera bilang regalo sa kanilang kaarawan.

Sa rami ng mga barangay chairman at kagawad na nasa 14th Floor ng Quezon City Hall, maniniwala po ba kayo na sabay-sabay na nag-birthday ang mga ito?

Sinasabing ang mga brgy. captain na tatlong taon pa lang na nakapagserbisyo ay binigyan ng tig-P10,000; ‘yung nakadalawang term na ay nakatanggap naman ng P20,000 at ‘yung  patapos nang ikatlong term ay  nakatanggap naman ng P30,000 at lahat umano ng brgy. kagawad na naroon ay binigyan din ng tig-P5,000.

Wow, ganun talaga kayaman ang Quezon City at napakasuwerte ng mga barangay opisyal ng lungsod na ito dahil galante ang kanilang alkaldeng si Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Napag-alaman na sa 14th floor ginawa ang salo-salo o kainan ng mga barangay official at pagkatapos ay bumaba silang lahat sa 11th floor kung saan umano “namigay” si Mayor Bistek ng pera.

Ang aga naman yatang Pamasko o pangangampanya nito, Mayor Bistek.

‘Di ba wala ka namang kalaban, bakit kailangang mamudmod  ka ng pera sa mga opisyal ng barangay?

Oh baka kaya ito ginawa ni Mayor Bistek ay dahil kinakabahan siya sa sinasabing “substitute candidate”  na posibleng lumutang at lumantad na ngayong buwan ng Disyembre.

Paano nga kaya kung yung sinasabing substitute candidate ay kilala, sikat at kaya siyang tapatan?  Malamang na magkukumahog itong si Mayor Bistek sa pagbaba sa mga barangay.

Mangangako na naman ng kung ano-anong bagay sa mga taga-Quezon City, malamang na manliligaw na naman sa mga  squatters area at mangangakong hindi ide-demolish.

Ay naku, ‘wag na po tayong padadala sa ganitong mga pangako na walang natupad. Bago po sana tayo bumoto ay pag-isipan muna nang mabuti kung ang iyong isusulat sa balota ay talagang karapat-dapat.

Ayon pa rin sa source ng Lily’s Files, mula sa tig-P3,000 allowance kada buwan ng mga barangay tanod ay ginawa ng tig-P5,000 ni Mayor Bistek ang allowance ng mga ito.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at 09087230036 o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply