Bitay sa dayuhang sangkot sa illegal drugs isinusulong

ISINUSULONG ng isang kongresista ang panukalang batas laban sa mga dayuhan na nahatulan ng bitay kaugnay sa drug trafficking sa bansa.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, ang panukalang batas ay isinusulong matapos na hatulan ng bitay ang 61 anyos na Filipina sa pagpupuslit ng droga sa Vietnam..

Ang House Bill 4510 na inakda ni Rodriguez ay nakatakda nang aprubahan ng House committee on justice.

Ang hakbang sa pagpapasa ng batas ay upang maging patas ang magiging hatol sa intenational community.

Ipinaliwang ng mambabatas na sa bansang China at Vietnam, ang ating mga kababayan na natutungo sa naturang bansa ay nabibitay, pero ang mga Chinese na nagpupunta sa Pilipinas at nag-operate ng illegal drugs ay hindi pinapatawan ng hatol na bitay.

“I support death penalty only for foreigners who are into drugs to make it equitable,” ani Rodriguez.

Iginiit ni Rodriguez na ang kawalan ng hatol na bitay sa bansa laban sa mga dayuhang drug traffickers ay isang dahilan kaya nagpapatuloy ang pamamayagpag ng iligal na droga sa Pilipinas

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply