Biyahe ng PNR sa Pasko pa maibabalik

PNR-train

IPINAHAYAG na ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na sa pagasapit na ng Pasko maibabalik ang normal na operasyon ng tren.

Ang pahayag ay inilahad ni Paul De Quiros, tagapagsalita ng PNR na posibleng matagalan pa ang pagsasaayos ng dalawang tulay na dinaraanan ng kanilang tren sa Sariaya, Quezon.

Nabatid na aabutin pa ng Pasko bago bumalik sa normal ang biyahe ng PNR mula Naga City patungong Metro Manila dahil sa maintenance work.

Una nang sinabi ni De Quiros na matindi ang naging pinsala ng dalawang tulay sa naturang lugar kaya inamin niyang nahihirapan silang ayusin ito.

Sa kabila nito, inihayag ng opisyal na ginagawa na nila ang lahat upang maibalik na sa normal ang kanilang operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply