Biyaheng Norte

inside motoring

ITONG nakalipas na Huwebes at Biyernes ay pinalad akong makabalik sa lalawigan ng Cagayan at Ilocos Norte. Ang dalawang lalawigang ito ay hindi ko malilimutan dahil ito’y inabot ng aking scooter na Vespa PX 200 noong 2008. Mula Paranaque ay nag Northern Loop (counter clockwise) ang aming grupong Scoot 66 kasama ang Vespa Club of the Philippines at pagdating sa Pagudpud, Iolocos Norte ay kinita namin ang grupong Euroscoot na bumyaheng clockwise naman. Counter clockwise kami dahil galing Tarlac. Ang Euroscoot naman ay galing Nueva Ecija. At doon naganap ang nag-iisang “round up” sa norte ng mga Vespa at European scooter enthusiasts. Bago nitong byaheng ito ay nakapunta na rin ako dito ngunit gamit ang sasakyang apat ang gulong. Iba pala pag ika’y naka motorsiklo o scooter. Mas napapansin mo ang kalikasan, ang magandang daan, at tanawin.

Ang San Juan, La, Union na isang surfing spot ay napakaganda rin palang puntahan kahit na hindi ka surfer.  Ang dumaan sa Patgapat Viaduct ng naka-dalawang gulong at ang pagparada sa Bangui Windmills ng iyong scooter ay di ko malilimutang mga karanasan sa norte. Kung bibgyan ng pagkakataon ay gusto kong bumalik ng naka-motor para pumunta sa Mt. Data, ang sinasabing highest point ng Philippine Highways at siguro tumuloy na rin sa Sagada sa Mountain Province.

*****

MAHIGIT dalawang taon na ng huling magkaroon ng out of town event ang Honda Cars Philippines Inc. (HCPI) kaya naman kahit na ako’y manonood dapat ng Dave Grusin & Lee Ritenour concert noong Biyernes ay ipinagpalit ko na ito sa Honda Cars Philippines Inc. (HCPI). Ang kanilang Experience Anew test drive event ay nagdala sa akin muli sa Cagayan at Ilocos Norte. Maganda rin kasing pagkakataon ito upang aking makasama ng matagal at makilala ng husto ang mga bagong opisyal ng kompanya. Sa biyaheng ito na gamit ang full lineup ng Honda Cars ay aking nabalikan ang Patapat Viaduct, ang Bangui Windmills, at ang long and winding road mula Aparri hanggang Pagudpud. Bukod pa diyan ang aming pananghalian sa Franz Restaurant sa Sta. Praxedes, Cagayan at ang hapunan sa La Preciosa sa Laoag, Ilocos Norte.

Maraming Salamat sa HCPI sa pangunguna ni President Tatsuya Natsume, General Manager Bobby Ong, Mitch Malto, Xavier Eyadan, Kat Lanot at sa lahat ng bumubuo ng HCPI.

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply