Biyudo kritikal sa tubo ng kapitbahay

crime

KRITIKAL ang isang biyudo matapos hatawin ng tubo sa ulo ng nakaalitang kapitbahay sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 21.

Inoobserbahan sa Tala Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si Romeo Raña, 51 ng Bagumbong Dulo, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Jose Serrano, 59 at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, naglalakad ang biktima malapit sa kanilang bahay nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek at hatawin ng tubo ang ulo ng una.

Dinala ang biktima sa TH habang nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis kung saan inaalam na ang dahilan ng pambabambo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply