Black and White Movement tinabla ng Comelec

comelec

HINDI pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang partylist group na Black and White Movement na tumakbo sa May 2013 midterm elections.

Nabatid na limang commissioner ng poll body ang bumoto pabor sa pagbasura sa akreditasyon ng grupo habang dalawa naman ang nag-abstain (Christian Robert Lim at Grace Padaca).

Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, ang Black and White ay mistulang political party na at hindi isang partylist group.

Sinabi naman ni Commissioner Rene Sarmiento na nabigo ang Black and White na ipakita ang kanilang track record na patunay na kumakatawan sila sa marginalized at underrepresented.

Maging ang mga nominado nito kabilang sina Movie Television Review and Classification Board member Leah Navarro, Marco Elmer Cabrera, Jose Morales, Mary Shinn Ramos at Nolasco Apolonio, ay hindi rin naman umano marginalized.

Nabatid na nauna nang ni-reject ng First Division ng Comelec ang akreditasyon ng grupo, sanhi upang maghain ito ng motion for reconsideration.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply