Black travel alert itinaas ng Hong Kong vs Phl

NAKATAAS pa rin ang inilatag na black travel alert ng Hong Kong na dalawang taon nang umiiral laban sa Pilipinas.

Batay sa ginawang update ng Hong Kong Security Bureau sa outbound alert, binigyang diin nito na “in force” pa rin ang nasabing warning na ipinataw simula noong Manila hostage crisis.

Ayon sa Security Bureau, ilang bansa ang nagbabala sa posibleng terrorist attacks sa Pilipinas kabilang na ang mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga dayuhan kagaya ng mga shopping malls.

Samantala, lalo pang pinaigting ngayon ng Philippine National Police (PNP) Northern Mindanao ang seguridad ng limang lalawigan na sakop nito kasunod sa pagkamatay ng umano’y miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI) matapos nangyari ang sagupaan sa lungsod ng Marawi, Lanao del Sur noong nakaraang gabi.

Sinabi ni PNP 10 regional director C/Supt. Gil Hitosis, personal niyang tinawagan ang mga city at provincial police directors upang tiyakin ang katiwasayan sa kani-kanilang area of assignments.

Inihayag nito na ayaw niyang muling mabalisa ang publiko sa kanilang seguridad lalo pa’t dalawang beses nang nakaranas ng bomb explosion ang lungsod sa magkaibang araw at lugar na pumatay ng dalawang sibilyan at 11 ang nasugatan, ngayong taon lamang.

Dahil dito, inaalerto nito ang buong PNP 10 lalo pa’t mayroon pang pitong kasamahan ng napatay na JI member ang patuloy pang tinutugis ngayon.

Magugunitang kinilala ng mga awtoridad ang napatay na JI member na si Indonesian Ustadz Sanusi alyas Ishak na tinamaan ng maraming bala sa katawan namatay ito habang ginagamot sa loob ng Marawi City Hospital.

Si Sanusi ay matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa kasong murder at arson.

Napag-alaman na ang JI na sinasabing konektado sa Al Qaeda terrorist group ay matagal nang kumikilos sa Southeast Asia at isa ang Pilipinas lalo na ang Mindanao na kuta ng mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply