‘Blaster messaging’ gagawin para sa mga residente ng Marikina

IPINAGMALAKI ni Mayor Del De Guzman ang bagong inobasyong makapaghahatid ng mga bagong balita at kaganapan sa Marikina nang libre sa pamamagitan ng mga mobile phone: ang Blaster.

Ang Blaster ay sariling social networking media na sa pamamagitan ng short messaging system (SMS) sa Pilipinas na nagbibigay ng pagkakataon sa mga gumagamit nito na magpadala ng SMS o text messages sa lahat ng mga tagasunod nito.

“Ang lungsod ng Marikina ang kauna-unahang lungsod na gagamit ng Blaster upang makapaghatid ng paalala at anunsyo sa publiko. Naniniwala tayo na ang paggamit ng mobile phone sa pagpapakalat ng impormasyon ay ang pinakamabilis na paraan upang maabot natin ang mga residente ng lungsod sa oras ng kalamidad o hindi inaasahang sakuna,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Kapag nakapag-register na, ang mga tagasunod ng gumagamit ng Blaster tulad ng miyembro ng pamilya, mga kaibigan, o kasamahan ay maaaring makatanggap ng blast S.M.S. sa isang text o mensahe lamang.

“Ginawa natin ang Blaster para  makapaghatid ng serbisyo publiko.  Tuwing may  kalamidad o hindi inaasahang sakuna, tayo ay nangangailangan ng mabilis na paraan upang magkaroon ng impormasyon at komunikasyon. Hindi lahat ay mayroong computer, telebisyon, o radyo na makukunan ng impormasyon sa mga hindi inaasahang sitwasyon kaya naman bakit hind natin gamitin ang isang bagay na mayroon ang  karamihan- ang mobile phone,” wika ni “Blast”, isa sa tatlong programmers na lumikha ng Blaster.

Kahit sino sa Pilipinas ay maaaring sumali sa Blaster. Itype lamang ang mga sumusunod: REG;<Your preferred Blaster Name without spaces and symbols>;<First Name>;<Last Name>;<Birthday in mm/dd/yyyy format>.

Mayroong tatlong numero ang Blaster na maaaring padalhan ng mga nais gumamit nito. Ito ang 0917-88-BLAST (Globe), 0925-88-BLAST (Sun), and 0939-93-BLAST (Smart) where BLAST stands for 25278.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Blaster, maaaring bisitahin ang kanilang website sa blaster.com.ph.

Para makatanggap ng mga pinakabagong balita sa  lungsod ng Marikina, sundan lamang ang Public Information Office ng Marikina. Itype lamang ang FOLLOW;marikinapio at ipadala sa alinman sa tatlong numero ng Blaster.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply