Blue alert itinaas ng NDRRMC sa paghahanda sa SoKor rocket launch

NAKA-blue alert ngayon ang lahat ng ahensyang kaalyado ng National Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa rocket launch ng South Korea bukas, Nobyembre 29.

Ayon kay Benito Ramos ng NDRRMC, nakalatag na ang mga paghahanda hanggang sa barangay level para ma-alerto ang publiko sa magaganap na rocket launch.

Bukas ng umaga, itataas sa red-alert ng NDRRMC ang alarma para maka-iwas sa anumang epekto sa paglulunsad ng rocket.

Ipatutupad rin ayon kay Ramos ang pagbabawal sa paglipad sa himpapawid ng mga eroplano, paglalayag ng mga sasakyang dagat at pangingisda sa lugar na posibleng bagsakan ng mga debris ng rocket.

Batay sa mensaheng ipinadala mula sa South Korea, magaganap ang rocket launch sa pagitan ng alas 4 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.

Dahil delayed tayo ng isang oras sa Korean standard time, ayon kay Ramos, magiging alas 5 ang tantiya ng rocket launch.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply