Blue alert status itinaas sa VisMin dahil sa LPA

lpa

ITINAAS na sa blue alert status ng Disaster Management officials ang Visayas at Mindanao dahil sa banta ng flashfloods at landslides  dulot ng umiiral na Low Pressure Area (LPA.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Council Executive Director Benito Ramos, nakataas ang naturang alerto sa Eastern Visayas, Caraga, Region 10 at Region 11.

Ipinaliwanag ni Ramos na ang blue alert status ay nangangahulugang kalahati ng kanilang mga tauhan ay dapat nakaantabay sa kani-kanilang mga istasyon.

Pinapayuhan naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga mamamayan sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa hapon o gabi.

Tumama na sa kalupaan ang bagong LPA, na magpapaulan sa katimugang Luzon, Visayas at Mindanao pero maliit ang tsansa na maging bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply