Bo Perasol bagong head coach ng Blue Eagles

SI DATING Powerade Tigers coach Bo Perasol ang papalit kay Norman Black bilang head coach ng Ateneo de Manila University Blue Eagles.

Ayon kay Ateneo president, Fr. Jett Villarin, puspusan ang naging pakikipag-usap ng mga opisyal ng Ateneo at ng business tycoon na si Manuel V. Pangilinan para sa pagkakatalaga ni Perasol bilang head coach ng Blue Eagles.

“MVP offered to arrange for me to meet with Coach Bo Perasol so that we could reconsider our mutual termination of an earlier agreement,” ayon kay Villarin.

Samantala, nasa PBA naman si Black na isa sa mga umagapay sa Ateneo upang masungkit ang limang magkakasunod na kampeonato sa UAAP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply