BoC umiskor muli

bong_padua1

MULING umiskor ang Bureau of  Customs – at sa pagkakataong ito, mga baril naman ang nasamsam ng mga bata ni Commissioner Ruffy Biazon. Tulad ng dati, ang grupo nina NAIA district commander Col. Marlon Almeda at Legal and Investigation and NAIA Task Force REACT head Byron Carbonell ang trumabaho para sa magandang accomplishment na naman na ito ng BOC.

Sa ulat na natanggap ng Chokepoint, inaresto ng team nina Almeda at Carbonell si Clint O. Pardo, isang American citizen nang makuha sa kanyang bagahe ang tatlong baril, dalawang rifle at gun spare parts. Sa batas kasi, bawal magdala ng mga baril sa bansa na walang kaukulang permiso mula sa Pambansang Kapulisan. Si Pardo ay hindi nakapagpakita ng PNP per-mit kung kaya’t siya’y dinakip.

Ang mga undeclared na bahagi ng baril ay isang pirasong M16 armalite PC upper receiver at 23 pirasong barrel para sa 1911 caliber 40 at 5 pira-song slide. Si Pardo na dumating sa NAIA Terminal 2 dakong 5:30 ng umaga kahapon lulan ng PAL Flight  PR 103 na nagmula sa Los Angeles, USA ay bumisita sa bansa para sa isang firing competition.

Gayunman, ‘di nito idineklara ang lahat ng kanyang armas dahilan para arestuhin siya sa kawalan ng permiso mula sa PNP Fire and Explosive Unit (FEU). Ang hinala ni Biazon, ibebenta ni Pardo ang mga kontrabando sa mga kasamahan niya sa competition.

Nakatakdang kasuhan ng BOC probers si Pardo habang ang mga nakumpiskang undeclared gun spare parts ay iti-turnover sa pangangalaga ng PNP.

Walang masama kung purihin na naman natin ang pamunuan ni Biazon at ang kanyang mga tauhan sa NAIA. Ang nagtatrabaho ay dapat nating papurihan nang papurihan. Kasi naniniwala tayo na kapag ang mga taong gobyerno ay pinupuri sa maganda nilang ginagawa, aba’y nagiging inspi-ration nila ito para lalong magtrabaho.

At kapag tatamad-tamad naman at walang ginawa kundi manggulo sa trabaho, aba’y birada naman ang sagot natin sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na ganyan ang pag-uugali.

BOC men, keep up the good work. Mabuhay kayo!

—***—

MELAD UMAKSIYON

Sa inis sa ating mga puna, nabuwisit daw si R-4A director C/Supt. james Melad at ipinasara ang saklaan sa EL Paso cockpit sa Nasugbu at video karera sa Lemery.

General, baka naman ilang araw ay magbukas na naman ang mga ipinasara mo.

At hwag ka raw choosy sa mga ipinasasara mo. Ipasara mo na rin  daw ang loteng ni Willy sa Nasugbu, loteng ni Estacion at Resty sa Lian, Virtucio, Ka Indo at Kap Ineo sa San Jose at STLcon-jueteng nina Jun Ocampo, Kancio, Dexter, Ed Villanueva, Obet Malabanan at Ka Teryo.

Abangan natin kung ipasasara ni Melad ang mga nabanggit nating gambling operations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply