Boksingero tepok sa apat

crime8

HINDI umubra ang kamao ng isang boksingero sa apat na hindi pa kilalang mga suspek nang pagsasaksakin ang una habang naglalakad sa Caloocan City, Lunes ng gabi (Nobyembre 26).

Hindi na umabot sa Jose Rodriguez Hospital si Michael Corea, 27 ng Bulak st., Amparo ng lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima malapit sa kanilang bahay nang salubungin ng mga suspek at pagtulungang bugbugin. Bago tumakas ay pinagsasaksak pa ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply