Bomba natagpuan sa Malabon

NABULABOG ang ilang mamimili sa isang grocery store matapos makakita ng bomba ang bodegero sa Malabon City, kahapon (Nobyembre 29).

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, nag-aayos ng mga panindang alak si Jayson Lim, 24 sa loob ng San Roque Supermarket sa F. Sevilla blvd., Tañong ng lungsod nang mapansin ang pampasabog na nasa bote ng softdrinks at may nakakabit na cellphone.

Agad na tumawag ng pulis si Lim at nirespondehan ng Special Reaction Unit na agad inilabas ang bomba at dinala sa ligtas na lugar at doon pinasabog sa pamamagitan ng water charge.

Sa lakas ng pagsabog ay halos mabuwal ang poste ng Meralco.

gayunman, walang nasaktan sa naturang pagpapasabog.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply