Bomba pinasabog sa Maguindanao town; 4 sugatan

(Upadate) HABANG ikinakasa ang isang malaking thanksgiving affair para bukas ng umaga sa Shariff Aguak, sa Maguindanao, isang malakas na pagsabog ang umuga sa Datu Piang kaninang umaga (Nobyembre 26) na ikinasugat ng isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Liberation Movement (BIFM) at tatlong iba pa.

Ito ang pagkukumpirma ng military na isang improvised explosive device IED ay sumabog kaninang dakong alas 8:30 a.m. sa tabi ng kalsada sa Barangay Lower Salbu na ikinasugat ni BIFM chief of staff na nakilala lamang na  `Kumander Karyalan” at tatlong iba pa, kabilang ang isang hindi nakuha ang pangalan na BIFM vice chair for political affairs.

Sinabi ni Colonel  Eduardo Garcia ng Army’s First Mechanized Infantry Brigade na hindi pa nila makumpirma pa kung anong uri ng IED ang ginamit na sinabi ni BIFM spokesperson Abu Misri na maaring isang  timed bomb.

Sinabi ni Misri na ang mga biktima ay kabilang sa 30-motorcycle convoy na patungo sa hindi malamang lugar sa Maguindanao para dumalo sa isang Islamic symposium.

Dahil sa pangyayari, hinigpitan ang seguridad sa Datu Piang town, sa national highway at iba pang kalsada na patungo sa Shariff Aguak na libo-libong katao ang inaasahang magsasama-sama bukas ng umaga para sa  grand `kanduli’ (thanksgiving) na pangungunahan ni  Mayor Zahara Ampatuan.

Sinabi ni Ampatuan na kabilang sa mga dadalo sa okasyon sina MILF Vice Chair for Political Affairs Ghadzali Jaafar bilang guest speaker.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply