Bomba pinasabog sa Maguindanao

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Alam na ng mga awtoridad ang “signature” ng improvised explosive device (IED) na sumabog kaninang umaga sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay provincial police chief S/Supt.Rolen Dela Cruz Balquin ng Sultan Kudarat, gawa umano sa 60-mm mortar at ginamitan ng cellphone bilang tiggering device ang nasabing bomba.

Nangyari ang insidente bandang alas-8:20 kaninang umaga sa Barangay Salibu sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, ayon sa report

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply