Bongbong kay PNoy: Suportahan mo ang yosi kadiri

TILA tinuya ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Pangulong Benigno Aquino III sa isinusulong na sin tax bill na may layunin na bawasan ang naninigarilyo ngunit patuloy na may bisyo ang chief executive.
“He was told by his doctor to quit smoking, and since his administration wanted to reduce smoking in the country by imposing higher taxes on tobacco products, why not start from him,” ayon kay Marcos sa interview ng DzBB nitong Linggo.

Sinabi ni Marcos na lubhang kabalintunaan sa programa ng gobyerno na bawasan ang naninigarilyo sa bansa ngunit ang Pangulo, na siyang chief executive na nagtutulak sa sin tax bill, ay nananatiling naninigarilyo.

“Mahirap naman na gusto ng gobyerno nya na mabawasan ang naninigarilyo, pero naninigarilyo pa siya. Siguro, he should start quitting slowly,” ayon kay Marcos.

Idinagdag pa ni Marcos na hindi siya naninigarilyo dahil hikain siya.

Nauna nang naging isyu ang paninigarilyo ni Pangulong Aquino nang maghatid ito ng keynote speech sa 9th Media Nation Summit na ginanap sa Tagaytay City nitong Biyernes na kung saan naobserbahan na inuubo ito at humahatsing na isang indikasyon na may bara sa lalamunan na palaging nararanasan ng mga naninigarilyo.

Ngunit, ikinatuwiran ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na inuubo at humahatsing si Pangulong Aquino sa naturang summit dahil hindi pa ito nakakahulagpos sa lagnat at allergic rhinitis na nakuha sa kanyang pagbiyahe sa Cambodia noong nakaraang linggo upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit

At a certain point, he would like to quit pero right now, ito ang nakakapag-destress sa kanya. Hayaan muna natin ang Pangulo na hanapan ng paraan. Alam naman niya kung ano ang importante,” ayon kay Lacierda sa interview nitong Sabado sa dzRB Radyo ng Bayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply