Boracay Water sa Mindoro Summit 2012

boracay-water

PANAUHIN kamakailan ang Boracay Island Water Company, isang kumpanya ng Manila Water sa ginanap na Mindoro Summit 2012 kung saan ibinahagi nito ang kanilang mga proyekto at programa upang tugunan ang mga hamon sa pangangalaga ng kalikasan at pagpalalawig ng serbisyong patubig at alkantarilya sa pamosong Boracay.

Ibinahagi ni Ben Mañosca, General Manager at Chief Operating Officer ng Boracay Water, kung paano matagumpay na nasolusyunan ang mga problema ng Boracay mula ng sila ay magsimula noong Enero 2010.Isa sa mga prayoridad na proyekto ng Boracay Water ang pagsasaayos at pagdaragdag ng 250 porsiyentong kapasidad ng sewage treatment plant (STP) mula sa naumpisahan nitong 2.6 milyong litro kada araw  hanggang sa kasalukuyang 6.5 milyong litrong kada araw na kapasidad.

Ang nasabing planta ay tumutugon sa mahigpit na pamantayan ng Department of Environment and Natural Resources.

Inihayag din ni Mañosca na kinailangang masiguro ang kaayusan, kalinisan at ligtas na suplay ng tubig sa isla na tinaguriang isa sa primera klaseng destinasyon ng mga turista sa ating bansa.

Kabilang dito ang pinasinayaan kamakailan na ang isang kilometrong submarine pipe na nagdurugtong sa kasalukuyang 250-millimeter water pipe upang mabigyan ang mga lugar na wala pang serbisyo ng tubig.

Naglatag din ng 12.7 kilometrong linya na siyang dahilan kung bakit bumaba ang antas ng nasasayang na tubig mula 37% hanggang 31%, habang tumaas naman ang porsiyento at bilang na naserbisyuhan ng Boracay Water mula 68% to 98%.

“Kami ay lugod na nagpapasalamat sa Philippine Tourism Authority (PTA) na ngayon ay kilala bilang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa tiwalang ibinigay nila sa amin bilang kanilang kabalikat sa paglutas ng problema at suliranin patungkol sa patubig at alkantarilya sa isla ng Boracay,”  pahayag ni Mañosca.

Binigyang diin ni Mañosca ang pagkakaroon ng matibay at matagumpay na public-private partnership sa lugar ng Boracay na anya ay maaari rin gawin sa iba’tibang lalawigan hindi lamang sa Mindoro kundi buong bansa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply