Boston hilahod sa Brooklyn: Laban nauwi sa suntukan

LUPAYPAY ang inabot ng Boston Celtics sa kanilang lugar ng talunin sila ng Brooklyn Nets, 83-95 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Kahit tambakan ay naging mainit pa rin ang laban dahilan para mapaalis sa playing court sina Celtics guard Rajon Rondo at Nets cagers Kris Humphries at Gerald Wallace.

Bagsak sa sahig si Celtics star player Kevin Garnett matapos ang hard foul sa kanya ni Humphries sa third canto.

Hindi nagustuhan ni Rondo ang pangyayari kaya nilusob nito si Humphries at nang magpang-abot ang dalawa ay nakialam naman si Wallace.

”Kevin could have gotten hurt. He’s in the air. He took a bad fall. And so Rondo saw that and probably reacted, and over-reacted, obviously,” ani celtics coach Doc Rivers. ”I can’t get in anybody’s head. But at that point we’re getting our tails kicked and we’re probably frustrated.”

Sa first half ay kontrolado na ng Nets ang laban dahil abante sila ng 13 points, 51-38 at nadagdagan pa ito sa third canto, 70-55 matapos nilang samantalahin ang pagkawala ni Rondo na siyang nagtitimon ng plays para sa Celtics.

Pinanood ng mga referees ang replay at pagkatapos ay nagdesisyon sila ng dalawang technical fouls kay Humphries, isa kay Wallace, (pangalawa na niya sa game) at isa kay Garnett.

”Rondo initiated everything that proceeded after the foul,” saad ni crew chief James Capers. ”And when he and Humphries go into the stands, they are involved in a fight. Fighting is an automatic ejection.”

Si Joe Johnson ang namuno sa scoring ng Nets na may 18 points, anim na assists at apat na rebounds habang tig-17 pts. ang inambag nina bench players Andray Blatche at Jerry Stackhouse.

Parehong may 16 puntos naman sina Garnett at Brandon Bass habang si Paul Pierce ay tumikada lamang ng 14 markers.

”We all back each other,” ani Garnett. ”We take a lot of pride in putting on this jersey. I know I do. This ain’t the Girl Scouts or the Boy Scouts. That’s what it is. It’s the NBA. You’ve got to get used to it.”

Samantala, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Memphis Grizzlies matapos nilang padapain ang Toronto Raptors, 103-82.

Sa ibang NBA resulta, dnurog ng Oklahoma City Thunder ang Houston Rockets, 120-98 habang sinuwag ng Chicago Bulls ang Dallas Mavericks, 101-78.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply