Brgy kapitan na sangkot sa illegal logging iniimbestigahan

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ang isang barangay captain na umano’y sangkot sa pagpupuslit ng troso makaraang makumpiska dito ng pinagsamang puwersa ng intelligence group ng Ilocos Sur, Region I at PNP Sinait ang iba’t ibang illegal logs.

Nasamsam ng mga awtoridad kay Barangay Cabangtalan Captain Arnulfo Ineda ang mga kahoy na umaabot sa 106 pirasong mahogany; 30 pirasong molave o sagat at 30 pirasong kahoy ng gemelina na aabot sa halagang P500,000.

Ayon kay Sinait chief of police S/Insp. Arsenio Ramos, ang dahilan ng kapitan kung bakit nasa kanyang pag-iingat ang mga kahoy ay dahil binili niya ito para sa pagpapatayo ng kanilang barangay hall at ang iba naman ay ibinayad ng mga umutang sa kanya.

Ang mga iligal na kahoy ay nakatakdang i-turnover sa Community Environment and Natural Resoruces Office (CENRO).

Samantala, tuloy-tuloy naman ang imbestigasyon sa kapitan na nasa kustodiya na ngayon ng PNP-Sinait.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply