Brillantes nakahanda sa psychological test

comelec-chair-brillantes

“SABAYAN niyo ako!” Ito ang tugon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes sa lahat ng mga naghahamon sa kanya na sumailalim sa isang psychological test.

Anomang oras aniya ay nakahanda siyang sumailalim sa psychological test at handa na rin sa anumang hakbang na ipa-impeach siya.

Ayon pa sa poll chief, nakalulungkot lang na siya ang pinupuntirya ng mga nadiskuwalipikang grupo sa kabila ng nagkakaisang  desisyon ng komisyon na linisin ang partylist group.

Dagdag pa ng poll chief, sakaling siya ay ma-impeach ay mas lalo pa siyang sisikat at posibleng tumakbo na siyang senador sa susunod na halalan.

Samantala, hiniling ng Comelec sa Korte Suprema na kaagad resolbahin ang petisyon ng apat na diniskwalipikang partylist group upang masimulan na ang configuration ng mga balota sa darating na Enero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply