British national nagwala sa MPD headquarters

TILA wala sa katinuan ang isang 60-anyos na British national nang bitbitin ito sa headquarters ng Manila Police District matapos itong magwala at buhusan ng tubig ang mga police officer kaninang umaga.

Kinilala ang dayuhan na si David John Pittman, tubong Franceat, England, at pansamantalang naka-check-in sa Manila Hotel sa Ermita, Maynila.

Nabatid na dumating bansa ang dayuhan at nag-check-in sa hotel kasama ang kanyang mga kaibigan noong Nobyembre 12 ngunit nang mag-check out ang mga kasama ay hindi ito sumama.

Sa puntong ito, pinasasagot umano kay Pittman ng kanyang kasamahan ang kanilang hotel expenses na tinanggihan naman ng una.

Bago ang tangkang pagwasak sa rehas ni Pittman ay naghubad pa ito kaya dinala ito sa CR. Kumuha naman ito ng tubig at iwinasiwas sa mga pulis na umaalalay sa kanya kabilang na sina SPO2 James Poso at SPO2 Bernardo Caybyab.

Ayon kay Michael Balala, in house officer ng Manila Hotel, dakong alas-6:00 ng kaninang umaga nang makitang nagwawala sa lobby ng hotel si Pittman at dinuduro ang mga guest.

Dahil dito, dinampot si Pittman at isinakay sa mobile car ngunit patuloy ang kanyang pagwawala at maging ang mga pulis ay pinagsusuntok nito.

Hinala ng pulisya na may diprensiya sa pag-iisip ang dayuhan dahil hindi naman ito lasing at walang dahilan para siya magwala.

Nang tanungin si Pittman kung bakit siya nagwawala sinabi lang nito na “I’m exhausted.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply