Broadcast journalist pinagbabaril sa Cabanatuan, tepok

ISA na namang broadcast journalist ang binaril at napatay sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ngayong umaga .

Sa paunang imbestigasyon ni PO2 Fernando Cacayurin ng Cabanatuan City police office, kinilala ang napatay na journalist na si Julius Causon, 51, anchor ng AM radio dzJJ.

Ayon kay Cacayurin si Causon ay binaril ng isang suspek na nakasakay sa isang Honda motorcycle dakong alas 8:30 ng umaga, Huwebes, November 8.

Ang biktima ay patay na nang idating sa pagamutan bunga ng mga tama ng bala sa katawan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply