Brooklyn nilampaso ng Heat

WALANG kahirap-hirap na nilista ng defending champion Miami Heat ang four game winning streak sa home court ng kalusin nila ang Brooklyn Nets, 103-73 sa 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

”When we get stops, we’re going to break open a lot of games because we can score,” sabi ni reigning three-time MVP LeBron James. ”So that’s the No. 1 key.”

Namuno sa scoring ng Heat si Dwyane Wade na may 22 puntos, limang assists at tig dalawang blocks at rebounds habang 20 points, 12 boards at walong assists ang binira ni basketball superstar James.

”We know there’s going to be moments when you’re not going to be able to shoot the ball as well as you want to,” anang 2006 MVP Wade. ”It averages out for this team. ..That’s why you have to be a good defensive team to be successful in this league.”

Sa first half ay medyo umaalalay pa ang Heat dahil siyam na punyos lang ang agwat nila sa Nets, 50-41 subalit sa third canto ay bumigla na ang Miami upang palobohin ang abante sa 23 puntos, 79-56.

Nag-ambag din si Rashard Lewis ng 13 markers habang tig siyam na puntos sina Shane Battier at Ray Allen upang ipinta na rin ang 4-1 karta at manguna sa Southeast division ng Eastern Conference.

Susunod na haharapin ng Heat ang Atlanta Hawks bukas sa lugar ng huli.

Sa ibang NBA resulta, nalasap ng San Antonio Spurs ang unang kabiguan ng tambakan sila ng Los Angeles Clippers, 84-106.

May kartang 4-1 ang Spurs habang 3-2 naman ang Clippers.

Nagwagi naman sa isang overtime game ang Boston Celtics kontra Washington Wizards, 100-94 habang ang Los Angeles Lakers ay nasilat sa Utah Jazz, 86-95.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply