BRP Pampanga nakahanda sa patrol mission

NAKAHANDA na ang patrol ship BRP Pampanga na ipagpatuloy ang pagbabantay sa pinag-aagawang teritoryo sa pagitan ng China.

Ang kahandaan ay kaugnay sa pagtanggi ng China na iatras ang kanilang tatlong barko na nananatili sa Bajo de Masinloc na nagbabantay sa karagatan ng Zambales.

Nabatid na “on standby” na ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa oras na i-deploy ito sa West Philippine Sea.

Sinabi ngayon ni PCG spokesperson Lt. Commander Armand Balilo, na nakahanda na ang BRP Pampanga na ipagpatuloy ang pagbabantay sa pinag-aagawang teritoryo sa pagitan ng China.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na hanggang ngayon ay wala pang abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung kailan ang susunod nitong misyon.

Ayon kay DFA spokesperson Asec. Raul Hernandez na nanatili pa rin sa pinag-aagawang Panatag Shoal sa bahagi ng Masinloc, Zambales ang tatlong Chinese vessel.

Samantala, nagsagawa naman nang kauna-unahang aircraft landing ang China sa bago nitong carrier.

Sinasabing naging matagumpay umano ang paglapag ng Chinese-made J-15 sa former Soviet carrier na Liaoning.

Patuloy ang kanilang panawagan sa China na irespeto ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at iatras na ang mga barko nito sa naturang lugar na tahasang pambubully ng mga ito sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply