BSP: Mag-ingat sa mga nag-aalok ng investment na may malaking interes

BSP

PINAYUHAN ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga nag-aalok ng investment na nagbibigay ng malaking interest.

Sa pahayag ni BSP deputy governor Nestor Espenilla Jr., huwag magpaakit sa investment schemes dahil isa lamang itong scam.

Bagamat sa una aniya ay maganda ang takbo ng investment dahil makatatanggap ang investor ng malaking interes ngunit kalaunan ay malilinlang ka rin nito.

Ginawa ng BSP ang pahayag matapos na maloko ng bilyong halaga ang may 15,000 katao mula sa Visayas at Mindanao ng Aman Futures Group Phils. Inc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply