Bugaw arestado, 2 bebot nasagip sa Maynila

NAARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang kilalang bugaw habang nasagip naman ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation sa isang hotel sa Maynila.

Nakilala ang bugaw na si Ludivico Patrimonio pero hindi naman pinangalanan ang dalawang babae para na rin sa kanilang sariling kapakanan.

Nabatid na ilan sa mga kakababaihan kasama ang dalawang nasagip ay nagbebenta ng laman sa pamamagitan ng social networking site na Facebook.

Una rito, nagpanggap na kliyente ang mga asset ng NBI na interesadong mailabas  ng dalawang babae at nagkasundo sa halagang P3,000 bawat isa.

Nang umakyat na sa kuwarto ang mga babae kasama ang inakalang kliyente ay agad na kumilos ang NBI at inaresto na ang  bugaw at mabilis na hinalughog ang mga kuwarto na kinaroroonan ng dalawang babae.

Nabatid na ang “Under One Roof” ay ang Facebook group ng mga babeng prosti at doon na rin nakikipagtransaksyon ang  bugaw sa mga kliyente.

Makikita rin sa kanilang account ang mga malalaswang larawan ng mga babae.

Kaugnay nito, nagpadala na ng liham ang NBI sa pamunuan ng Facebook upang matunton ang iba pang mga grupo na nagpapatakbo ng malalaswa at prostitusyon sa naturang social networking site.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply