Buntis lumagok ng silver cleaner, tigok

dead (2)

NAGPATIWAKAL ang isang buntis sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner solution sa mismong inuupahang kuwarto nito sa Barangay 14, Caloocan City, Lunes ng gabi (Nobyembre 12).

Bandang alas-11:00 ng gabi nang magpaalam si Cherry Rose Nellas sa kanyang mga kasama sa bahay na matutulog ngunit nagulat na lamang ang kanyang ate na si Tristine nang makita itong nangingisay, maitim na ang mga kamay at bumubula ang bibig.

Humingi pa ng tulong si Tristine ngunit tuluyan nang namaalam si Cherry kasama ang bata sa kanyang sinapupunan.

Isinisisi naman ng pamilya ang pagpapatiwakal sa nobyo nitong si Raniel Balbuena na huli umanong nakasama ni Cherry.

Ngunit ayon sa binata, inilihim ni Cherry ang kanyang pagbubuntis at hindi umano niya makumpirma kung siya ang ama ng dinadala nito dahil may ka-text umano itong ibang lalaki.

Nakuha sa pinangyarihan ang isang bote ng mineral water na sinalinan ng silver cleaner.

Ayon sa awtoridad, posibleng love triangle din ang motibo sa pagpapatiwakal ng biktima.

Inaalam din ng mga awtoridad kung saan nakabili ang biktima ng silver cleaner.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply