Bus naaksidente; 1 patay, 7 sugatan

ISA ang patay habang pito ang sugatan makaraang maaksidente ang pampasaherong bus sa Sorsogon kaninang umaga.

Agad na nasawi si Fernando Jongaya Mabignay, 42, residente ng Catbalogan, Samar habang sugatan naman sina Jessel Pepito, 16; Mary Rose Pedrosa, 17; Jumar Bayote, 18; Richard Balosa, 33, pawang mga residente ng Leyte.

Nilalapatan din ng lunas sa Vicente Memorial Hospital, Castilla, Sorsogon sina Jerry Albarico, 33; Oliver Cablino, 21, na pawang residente ng Ormoc City at Celso Mabignay, 47, ng Catbalogan, Samar.

Nabatid na binabagtas ng PP passenger bus liner na minamaneho ni Alvin Pacheco Valencia ang Maharlika Highway sa Brgy. Del Rosario, Pilar, Sorsogon bandang ala-1:00 ng madaling araw nang bigla na lamang humiwalay ang gulong sa kanang bahagi ng nasabing bus na naging dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at sumalpok sa daan.

Nagmula ang bus sa Metro Manila na patungo sana sa Ormoc City.

Mahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries ang driver ng bus na nasa kustodiya na ng Pilar Municipal Police Station makaraang agad na sumuko matapos ang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply