Bus swak sa bangin,18 pasahero sugatan

TINATAYANG 18 pasahero ang nasugatan makaraang mahulog sa mababaw na bangin ang kanilang sinasakyang bus sa Camarines Sur kahapon.

Ayon sa ulat sa radio ngayong umaga, galing sa Camarines Sur papuntang Cubao ang Raymond Transit nang maaksidente sa Quirino Highway, Brgy. Del Gallego.

Nagtamo ng matinding sira sa harapan ang naturang bus nang banggain nito ang ilang mga puno nang mahulog sa bangin.

Agad namang dinala ang mga pasahero kabilang ang driver ng bus sa Tigkawayan District Hospital.

Bineberipika naman ng mga imbestigador kung matulin ang pagpapatakbo ng driver kaya ito nawalan ng kontrol.

Ang mga biktima ay papauwi na sana sa Metro Manila matapos gunitain ang Undas (All Saints’ at All Souls’ sa kani-kanilang probinsiya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply